Ang
manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o
komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang
Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga
malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang
panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay
nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang
kapalit ng proteksiyon.
Ang
manoryalismo ay ang sistema na nagbibigay ng serbisyo sa mga taga-bukid na mag-karoon ng trabaho/hanap buhay. Ang nag bibigay sa kanila ng mga hanap-buhay ay
ang mga hari, pinuno o ang mga may-ari ng lupa ng kanilang sinasakahan. Ang mga
Serf o mag sasaka ay nagbibigay ng mga ani sa kanilang panginoon o mas kilalang
may-ari ng lupa na kanilang sinasakahan. Ang mga tungkulin naman ng mga
panginoon ay kailangan nilang protektahan ang kanilang mga serf.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento